Mananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2024 sa kabila ng mga kinahaharap na lokal at pandaigdigang hamon gaya ng inflation at economic uncertainty.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Develoment Studies kung saan, nakikita pa rin nila ang 5.5 hanggang 6 percent na paglago ng ekonomiya sa taong ito.
Batay sa Macroeconomic Outlook 2023-2024, sinabi ni PIDS research fellow Margarita Debuque Gonzales na kailangan pa rin ng matatag na mga polisiya at estratehikong pamumununan upang mapanatili ito.
Kabilang sa mga pinakamalaki ang mai-aambag sa paglago ng ekonomiya para sa 2024 ang domestic consumption, matatag na remittance mula sa mga OFW, at umento sa suweldo ng mga manggagawa upang mapalakas ang purchasing power.
Nakasaad din sa pag-aaral na susi rin sa paglago ng ekonomiya ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin kumpara sa 6-na porsyentong inflation na naitala noong 2023 gayundin ang paglikha ng mga bagong polisiya hinggil sa pananalapi ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala