Malugod na tinanggap ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mensahe ng pagsuporta mula kay Bishop Noel Pantoja, ang National Director ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC).
Sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang pakikiisa ng PCEC ay kahanay ng whole-of-nation at whole-of-society approach ng NTF-ELCAC, para isulong ang kapayapaan, social justice, at kaunlaran sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Usec. Torres na kinikilala ng NTF-ELCAC ang mahalagang papel ng religious community sa pagpapalaganap ng diyalogo, pagkamakatao, at pang-unawa, upang mahilom ang sugat sa lipunan na likha ng kaguluhan.
Umaasa naman si Usec. Torres na sa pakikipagtulungan ng religious community sa NTF-ELCAC ay mabibigyan ng spiritual guidance ang mga nagbalik-loob na rebelde, upang matulungan sila sa kanilang pagbabago tungo sa pagiging produktibong miyembro ng lipunan. | ulat ni Leo Sarne
📸: NTF-ELCAC