Nagpahayag ng kasiyahan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pagkakabilang ng Pilipinas sa mga pinaka-ligtas na lugar sa Southeast Asia.
Sa Oath-Taking & Donning of Ranks Ceremony ng mga bagong-promote na star rank officers sa Camp Crame ngayong araw, ibinalita ni Acorda na batay sa Gallup 2023 Global Law and Order report, pumangatlo ang Pilipinas sa safest country sa Southeast Asia.
Ayon kay Gen. Acorda, malaki ang maitutulong nito upang mas marami pang investors at turista ang mahikayat na bumista sa bansa.
Binigyan-diin din ng PNP Chief, na matagumpay na napanatili ng Pambansang Pulisya ang kapayapaan at seguridad sa bansa dahil sa malaking suporta ng mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne