Pagkandado sa mga Fire Station sa EMBO barangays, ikinagalit ni Sen. Alan Peter Cayetano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalit ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagkakadiskubre na ikinandado ang mga Fire Station sa 10 EMBO barangays na nasa hurisdiksyon na ngayon ng Taguig City.

Sa isang Facebook Live, ibinahagi ni Cayetano na nadiskubre nila ito noong araw ng Bagong Taon nang bumisita sila ng kanyang asawang si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga istasyon ng pulis ng Barangay West Rembo at Comembo.

Sa parehong compound aniya ng Police Station ay nakita nila mismo na naka-padlock ang Fire Station.

Pinunto ng senador na ibig sabihin nito ay noong December 31, na kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon ay nakakandado na pala ang mga Fire Station.

Binigayng-diin ng mambabatas na naka-Red Alert tuwing December 31 dahil maraming gumagamit ng mga paputok kaya mali ang ginawang pagkandado sa EMBO Fire Stations.

Maaari aniya nitong nailagay sa panganib ang buhay ng mga residente sa naturang mga barangay.

Ayon kay Cayetano, tinawagan niya ang director ng Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil dito at nalaman niya na ang pagkakandado ng mga Fire Stations ay utos umano ni Makati Mayor Abby Binay.

Sinabi pa ng senador sa kanyang Facebook Live na hanggang ngayong araw ay nakakandado pa rin ang mga Fire Station.

Sa huli, nanawagan ang senador sa Makati LGU at BFP na resolbahin ang isyu.

Dapat aniyang tiyakin na hindi maaantala ang pagseserbisyo sa mga residente ng EMBO barangays habang isinasagawa ang transition ng pamamahala sa Taguig. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us