Pagkikipagpulong ni UN Special Rapporteur Irene Khan sa NPC, naging produktibo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging Produktibo ang pakikipagpulong ni UN Special Irene Khan sa National Privacy Commission (NPC) ngayong araw.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay NPC Commissioner John Henry Naga, sinabi nito na maganda ang naging outcome ng pakikipagpulong nila sa UN official, at humanga ito sa mga programa at mandato ng NPC.

Dagdag pa ni Naga, na may ilang naging komento lang ang UN Official sa ilang mga structure ng NPC, na bagay na welcome sa komisyon at kanila itong pag-aaralan.

Ayon naman kay UN Special Rapporteur Irene Khan, maganda ang programa ng Privacy Campaign ng Pilipinas at umaasa siya na mas mapalakas pa ito ng ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us