Mahigpit pa ring sinusunod ng Pilipinas ang One China Policy at hindi isinusulong ng bansa ang independence ng Taiwan.
Ito ang paglilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makaraang kwestyunin ng China ang ginawang pagbati ng pangulo sa bagong presidente ng Taiwan.
Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na common courtesy lamang ang ginawa niyang pagbati, lalo’t binati rin siya ng Taiwan noon naluklok siya sa pwesto.
“Very simple lang ang ano ko jan, noong presidente ako, binati ako. So what do you do? It’s just common courtesy that you do the same to them. That’s really where it came from.” —Pangulong Marcos.
Hindi aniya magbabago ang pagkilala ng Pilipinas sa polisiyang ito.
“The One China policy remains in place. We have adhered to the One China policy strictly and conscentiously since we adopted the One China policy. That has not changed, that will not change. We do not endorse Taiwan’s independence.” —Pangulong Marcos.
Internal affairs na aniya ng China at Taiwan ang usapin sa pagitan ng mga ito.
“Taiwan is a province of China, but the matter they will be brought together again is an internal matter. Ang habol lang natin dito ay kapayapaan na huwag magkagulo.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan