Ikinalugod ni House Committee on Higher and Technical Education Chair at Baguio Representative Mark Go ang tuluyang pagsasabatas ng limang panukala na magtatatag ng bagong medical colleges sa iba’t ibang state universities sa bansa.
Kamakailan lang nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11970 na magbubukas ng College of Medicine sa Benguet State University.
Ito aniya ang kauna-unahang state-run college of medicine program sa Cordillera.
Nilagdaan din ni Pangulong Marcos ang mga batas para sa pagtatatag ng college of medicine sa Southern Luzon State University sa Quezon; University of Eastern Philippines-College of Medicine sa Catarman, Northern Samar; at Visayas State University-College of Medicine sa Baybay, Leyte.
Ang RA 11973 ay bubuo ng College of Veterinary Medicine sa Bicol University sa Ligao City, Albay.
Ayon kay Go, mapapalakas ng mga batas na ito ang ating public healthcare system dahil aa dagdag na mga doktor na magtatapos. | ulat ni Kathleen Forbes