Itinigil na ang spilling operation sa Ipo Dam sa Luzon.
Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, itinigil ang pagpapakawala ng tubig matapos maabot ang 101.18 meters na water level nito.
Gayunman, bahagya pa ring mataas ito kumpara sa 101 meters normal high water level ng nasabing dam.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang spilling operation sa Angat Dam bukas ang isang gate nito na may taas na 0.5 meters.
Hanggang kaninang umaga, nasa 214.17 meters ang water elevation ng Angat na mataas pa rin sa 212 meters normal high water level nito.
Hindi naman nakitaan ng labis na pagtaas ng tubig ang iba pang dam sa Luzon batay sa ulat ng PAGASA. | ulat ni Rey Ferrer