Nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival Committee na palawigin pa ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.
Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairperson at concurrent MMFF Chairperson, Atty. Don Artes bilang tugon sa kahilingan ng publiko.
Ayon kay Artes, isang linggong extended ang pagpapalabas ng 10 mga pelikulang kalahok sa MMFF, kikilalanin din ang mga may hawak ng complimentary passes hanggang Enero 14.
Kasunod nito, sinabi ni Artes na aabot sa ₱1 bilyon ang kinita ng MMFF at inaasahan pang tataas ito dahil sa pinalawig na pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: MMDA