Target maisakatuparan ng pamahalaan ang pagtatayo ng 179 na medical specialty center sa buong bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa taong 2028.
Sa opisyal na paglulunsad ng Lung Transplant Program ngayog araw (January 23), sinabi ng Pangulo na pito sa mga ito ay dedicated sa lung care center.
Batid naman kasi aniya ng lahat na kabilang sa top 10 ng morbidity o mga sakit sa bansa ay pulmonary-related ailments.
“By 2028, we aim to establish an additional 179 specialty centers, seven of which are dedicated as lung care centers,” -President Marcos.
Ang pamahalaan aniya, nakapagtayo na ng 131 functional specialty centers sa buong bansa, kung saan siyam dito ay layong ilapit ang lung care sa mga Pilipino, lalo na sa rural areas.
Samantala, upang mai-angat pa ang buhay ng Filipino healthcare workers at mapatatag ang kaalaman at kakayahan ng mga ito, ipagpapatuloy ng gobyerno ang training para sa mga doktor sa ilalim ng Doctors to the Barrios Program, lalo’t kritikal ito sa pagsasakatuparan ng universal healthcare. | ulat ni Racquel Bayan