Nanawagan si Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan sa Kongreso na magpasa ng batas na naglalayong pagkalooban ng “long-term care program” ang mga senior citizen para sa mas marangal, malusog at secured na buhay.
Sa ilalim ng House Bill 7980 o “Long Term Care for Senior Citizen” na mabawasan ang kahirapan at vulnerability ng mga mga elders sa pamamagitan ng mga interventions na poprotekta sa kanila laban sa pang-aabuso, exploitation, neglect at discrimination.
Ayon kay Yamsuan, dapat din isama ang mga indigent senior sa mga livelihood programs, social insurance at iba pang paraan na mabibigyan sila ng financial support.
Titiyakin ni ng panukalang batas na magkaroon ng makabagong serbisyo sa mga nakatatanda lalo na sa local na pamahalaan upang makaiwas sila sa sakit gaya ng serbisyo ng home nursing, pangangalaga sa hospicio at suportang medical at psychological.
Ayon sa mambabatas, sa ilalim ng P5.768 trillion General Appropriations Act (GAA) for 2024, nasa P49.81 billion ang budget para sa social pension, malaking tulong na ito sa mga indigent seniors ngunit aniya kulang ito upang ipagkaloob ang dekalidad na serbisyo para sa kanila.
Kapag tuluyan maging batas, ang programa ay magkatuwang na ipatutupad ng Department of Finance (DOF), Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), ang local government units (LGUs), at ang DSWD.
Si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ay ang co-author ng HB 7080. | ulat ni Melany V. Reyes