Pormal na pinanumpa sa tungkulin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mga opisyal na magsisilbi sa taong ito bilang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Selection Boards, Board of Senior Officers (BOSO) of Major Services at Technical and Administrative Services (TAS).
Ang Joint Oathtaking Ceremony na dinaluhan ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. ay isinagawa ngayong umaga sa AFP General Headquarters.
Ang 220 opisyal ng AFP na magsisilbing miyembro ng AFP Selection Boards at BOSO ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng “meritocracy” sa promosyon ng mga opisyal ng militar.
Binati ni Sec. Teodoro ang mga opisyal sa kanilang pagkakatalaga sa mahalagang tungkulin, kasabay ng pagsabi na inaasahan niyang ilalagay nila sa pwesto ang mga karapat-dapat na opisyal.
Binigyang diin ng kalihim na ang kailangan ngayon ng AFP ay mga opisyal na “mission capable” na mahusay na magagampanan ang mga posisyong ibinigay sa kanila. | ulat ni Leo Sarne
📷: SSg Ambay/PAOAFP)