Bahagi ng family at me time ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdalo sa concert ng Coldplay sa Bulacan nitong weekend.
Sa ambush interview sa Lung Center of the Philippines (LCP), sinabi ng Pangulo na batid naman ng lahat na music lover siya at una na ring nag-aral ng musika nang ilang taon.
Ang konsyerto aniya ng Coldplay ay isang pagkakataon na hindi dapat palampasin.
“Siguro, by now, alam na ninyo na music lover talaga ako. I have been for a long time, I have studied music for many years. And, to have somebody like Coldplay— you can’t— unmissable dapat ‘yun. You cannot miss. So, I went and it was—by the way, it was fantastic. It was great.” – Pangulong Marcos Jr.
Dagdag pa ng Pangulo, bagong karanasan ito para sa kanya lalo’t wala naman silang mga ganitong konsyerto noon.
“Ibang-iba na. Talagang it’s a whole-not only that, it show that [their] spectacular. Talagang hindi pa ako nakakita ng ganun. Wala pang ganun sa Batac.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan