Ibinida ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang pinasok na joint venture ng pamahalaang panglalawigan ng CamSur at pharmaceutical company na Iba.
Sa naturang kasunduaan, itatayo ang pinakamalaking essential oil facility sa mundo sa naturang probinsya.
Ayon kay Villafuerte, maliban sa itatayong planta ay magsisilbing taniman din ang kanilang probinsya ng halamang “vetiver” o mas kilala sa probinsya bilang “Moras” na nasa 7,500 na ektarya.
Dito nagmumula ang “vetiver” oil na isa sa mga sangkap sa paggawa ng pabango, aromatic oils, sabon, at iba pang personal care products.
Bukod sa oil production ginagamit ito laban sa soil erosion.
Dahil dito inaasahan aniya na makikilala ang Camarines Sur sa $35-billion global flavor and fragrance (F&F) industry.
Inaasahang masisimulan ang operasyon ng ipatatayong planta sa unang quarter ng 2025 at makapagbibigay ng ₱500 million na halaga ng investment at makakalikha ng 800 bagong trabaho.
“Bucking the traditional model of countryside economics, the CamSur provincial government is showing the way to transforming and developing ordinary rural agricultural land into big employment generators, source of low-cost yet high-value farm goods, and a mega dollar earner that has the potential to place the Philippines at front and center of the $30-billion global F&F industry,” sabi ni Villafuerte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes