Umakyat na sa ₱109-million ang naitala ng Department of Agriculture (DA) na halaga ng pinsala ng El Niño phenomenom sa sektor ng pagsasaka.
Sa datos ng DA Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, nasa higit 4,738 metriko tonelada na ang kabuuang volume ng production loss sa sektor.
Aabot na rin sa 2,602 na mga magsasaka ang naapektuhan ang pangkabuhayan sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Pinakaapektado ang mga palayan kung saan aboot sa higit 2,000 ektarya ang napinsala.
Ayon sa DA, mayorya sa mga napinsalang palayan ay nasa reproductive stage na o pasibol na.
Patuloy pa rin naman ang mga ginagawang hakbang ng DA para matugunan ang epekto ng El Niño sa mga sakahan.
Kabilang dito ang pag-validate sa mga vulnerable areas at pagtukoy sa mga interventions sa mga magsasakang inaasahang maapektuhan.
Nagsasagawa na rin ng joint area assessment para sa cloud seeding operations.
Tinutulungan din ang mga magsasaka sa crop management sa panahon ng El Niño, kabilang ang pag-adjust sa planting schedules at fertilizer use. | ulat ni Merry Ann Bastasa