Pumalo na sa P78.14 milyon ang halaga ng pinsala ng shear line sa sektor ng agrikultura.
Batay sa datos ng DA-DRRM Operations Center, nasa higit 8,000 ektarya ng mga pananim ang napinsala kung saan karamihan ay mga bagong tanim pa lang na palay at mais.
Kaugnay nito, mayroon na ring 6,375 na magsasaka ang naapektuhan ang pangkabuhayan sa Davao at Caraga regions.
Ayon naman sa DA, nakapaghatid na ito ng mga paunang ayuda sa mga maaapektuhan sa sektor kabilang na ang P18.50 milyong halaga ng mga binhi at Quick Response Fund (QRF) para sa pagsasaayos ng mga nasirang pananim.
Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DA Regional Field Office XI at XIII sa mga apektadong LGUs para sa karagdagang suporta. | ulat ni Merry Ann Bastasa