Umabot na sa 150 Million passengers ang naserbisyuhan ng Paranaque Integrated Terminal (PITX) simula ng buksan ito sa publiko noong taong 2019.
Ayon sa PITX, ang naturang bilang ay naitala ngayong buwan at patuloy na nagdaragdagan sa bawat araw at oras na ito.
Dagdag pa ng pamunuan ng naturang integrated terminal, simula nang magbukas ito ay wala pang naitatalang anumang inisdente sa loob ng terminal at ang pagpapanatili ng ligtas at komportableng biyahe sa bawat pampublikong mananakay mapa-Metro Manila o sa iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas.
Sa huli nagpasalamat naman ang pamunuan ng PITX sa patuloy na walang sawang pagtangkilik ng publiko sa terminal at kanilang sisiguhirun na papaigtingin nila ang mas koportable at ligtas na pg biyahe ng publiko.| ulat ni AJ Ignacio