Suportado ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang plano ni Pangulong R. Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatayo ng isang drug treatment and rehabilitation facility sa bawat probinsya, siyudad, munisipalidad at barangay sa bansa pagdating ng June 2028.
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Health, binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng patuloy na pagpapaigting ng laban kontra ilegal na droga.
Mahalaga aniya ang hakbang na ito dahil sa pamamagitan ng pagbibigay ng accessible at komprehensibong rehabilitation services sa buong bansa ay hindi lang natin matutulungan ang mga indibidwal na makarekober mula sa drug dependence, kung hindi matutulungan pa natin silang makabalik ng maayos sa komunidad.
Kaugnay nito, una nang inihain ng senador ang Senate Bill 428 na layong itatag ang isang Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa bawat probinsya sa bansa.
Ang mga center na ito ay hindi lang bilang magsisilbing treatment facilities para sa mga drug dependent…
Tatayo rin ito bilang support hubs na mag-aalok ng after-care, follow-up services, at social reintegration programs. | ulat ni Nimfa Asuncion