Blangko ang Philippine National Police (PNP) sa anumang development hinggil sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa umano’y madugong drug war ng nakalipas na administrasyon
Ito’y makaraang ihayag ni dating Senator Antonio Trillanes IV na natapos na ng ICC Special Rapporteur ang kanilang imbestigasyon at binabalangkas na lamang nito ang kanilang ulat.
Pero ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., wala silang natatanggap na anumang impormasyon hinggil dito at nanindigan naman sila na ginawa ng Pulisya ang operasyon nito kontra iligal na droga alinsunod sa mga umiiral na batas.
Gayunman, tiniyak ni Acorda na hindi naman sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ) hinggil dito.
Kasunod niyan, sinabi ni Acorda na kaniyang hihilingin ang gabay ng mga nakatataas sa kanya sakaling maglabas na ng warrant of arrest ang ICC sa kung paano ito haharapin o ipatutupad. | ulat ni Jaymark Dagala