Naka-Heightened Alert ngayon ang Police Regional Office 3 o Central Luzon gayundin ang Police Regional Office 4-A o CALABARZON.
Ito’y para magsilbing karagdagang puwersa para magtiyak ng seguridad sa Traslacion ng Itim na Nazareno 2024 ngayong araw.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, ang dalawang nabanggit na Regional Office ng Pulisya ang pinakamalapit na rehiyon para umalalay sa kanilang mga kabaro na nakakalat na sa Metro Manila.
Kasunod nito, nakaantabay na rin ang Reactionary Standby Support Force mula sa National Headquarters sa Kampo Crame sa sandaling higit na kailanganin.
Una nang sinabi ng PNP na kanilang pinaghahandaan ang worst case scenario hinggil sa okasyon kaya’t umapila sla ng pang-unawa sa publiko sa higpit ng seguridad na ipinatutupad.
Layunin lamang kasi nito ani Fajardo ay matiyak na magiging maayos, ligtas at mapayapa ang pagdaraos ng Traslacion. | ulat ni Jaymark Dagala