Walang nakitang dokumento ang Philippine National Police (PNP) kung saan kasama ang pangalan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga.
Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo kaugnay ng alegasyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit umano ng iligal na droga ang Pangulong Marcos.
Una na ring sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Spokesperson Derrick Carreon na wala sa drug watchlist ang Pangulo.
Samantala, binigyang-diin ni Col. Fajardo na mananatiling apolitical ang PNP kaugnay ng naturang usapin. | ulat ni Leo Sarne