Dumipensa ang Philippine National Police sa inilabas na travel advisory ng Canada na nagbabawal sa kanilang mga mamamayan na magtungo sa Pilipinas partikular na sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, mismong ang Gallup Global Survey ang humirang sa Pilipinas bilang ikatlo sa mga bansang pinakaligtas sa Timog-Silangang Asya.
Bagaman iginagalang niya ang naging pahayag ng Canada subalit iginiit nito na maayos ang sitwasyon ng Kapayapaan at Kaayusan sa Pilipinas.
Kung ang mga komunistang grupo ang pag-uusapan, sinabi ni Acorda na humihina na ang puwersa nito at mababa na rin ang naitatalang bilang ng kanilang pag-atake.
Bagaman iginagalang niya ang layunin ng pagpapalabas ng naturang abiso ng Canada, sinabi ni Acorda na marami pa silang dapat gawin para kumbinsihin ang international community na ligtas magtungo sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala