Hindi mawawala ang pokus ng Philippine National Police sa kanilang tungkuling protektahan at pagsilbihan ang mga mamamyan.
Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo sa gitna ng kumalat na pekeng balita na nagdamay kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa umano’y destabilization plot laban sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Giit ni Col. Fajardo, makakaasa ang taumbayan na isandaang porsyentong suportado ng PNP ang kasalukuyang administrasyon.
Una naring tiniyak ni Col. Fajardo na nananatiling apolitical, solido, nagkakaisa at propesyunal ang buong hanay ng Pambansang pulisya. | ulat ni Leo Sarne