Pre-Launching ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally, isasagawa ng PNP ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn
Acorda

Nakatakdang pangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang Pre-Launching ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally ngayong araw

Dito, inaasahang ibibida ng PNP ang mga naging tagumpay ng Pambansang Pulisya sa nakalipas na isa at kalahating taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Isasagawa ang programa sa harap ng National Headquarters ng PNP sa Kampo Crame ganap na alas-10 ng umaga kung saan, dadaluhan din ito ng mga opisyal ng Pulisya.

Una nang ipinagmalaki ni Acorda ang mataas na trust at approval ratings na nakamit ng Pulisya batay sa mga survey gayundin ang matagumpay na kampaniya kontra iligal na droga at ang pagkakatala ng Pilipinas bilang isa sa mga pinakaligtas na bansa sa Asya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us