Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) 10 na maayos ang situasyong panseguridad sa Northern Mindanao, sa kabila ng paglabas ng travel advisory ng Canada sa kanilang mga mamayan na iwasang bumisita sa rehiyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni PRO 10 Regional Director PBGen Ricardo Gonzales Layug Jr, na tahimik at mapayapa ang Northern Mindanao.
Nagpahayag din ng kumpiyansa ang opisyal sa patuloy na pagbaba ng krimen sa mga lugar na nasasakupan ng PRO10 dahil sa kanilang aktibong pagbabantay.
Inenganyo naman ni Layug ang mga lokal at dayuhang turista na bumisita sa Northern Mindanao.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay umalma ang National Security Council sa travel advisory ng Canada na nag aabiso sa kanilang mga mamayan na iwasan ang mga spesipikong lugar sa sa Mindanao dahil umano sa krimen, terorismo, Civil unrest, at kidnapping. | ulat ni Leo Sarne