Nakipagtulungan na rin sa Social Security System (SSS) ang Quezon City Local Government para mabigyan ng sapat na social security coverage ang kanilang mga Job Order, at mga manggagawang Contract of Service.
Kasunod ito ng paglagda nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at QC Mayor Joy Belmonte sa isang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program.
Sa ilalim nito, magiging miyembro na ng SSS ang mga job order at contractual employees ng pamahalaang lungsod. Katumbas ito ng pagiging kwalipikado na rin ng QC employees sa mga benepisyo at loan programs ng SSS.
Mas magiging madali na rin ang paghuhulog sa SSS dahil hindi na kailangan pang pumunta ng mga kawani sa payment centers at magiging regular na ang remittance nito ng pamahalaang lungsod.
Nagpasalamat naman si QC Mayor Joy Belmonte sa SSS dahil mas inilapit nito ang kanilang serbisyo sa mahigit 12,000 JO employees ng pamahalaang lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: QC LGU