Pormal na inihalal ng Kamara si Quezon 2nd district Representative David “Jay-Jay” Suarez bilang bagong Deputy Speaker ng 19th Congress.
Si House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang nagmosyon sa pagkakatalaga kay Suarez, kapalit ni dating House Deputy Speaker at Batangas 6th District Representative Ralph Recto na ngayon ay Finance secretary na.
Wala naman tumutol dito at agad ding naaprubahan.
Itinalaga naman si House Speaker Martin Romualdez bilang Legislative caretaker ng ikaanim na distrito ng Batangas na siyang naiwang distrito ni Recto.
Si Recto ang ikatlong mambabatas sa 19th Congress na naitalaga bilang kalihim ng gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nauna sa kaniya sina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian. | ulat ni Kathleen Jean Forbes