Retiradong AFP generals, muling tiniyak ang suporta para sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apat na grupo ng retiradong military generals ang humarap kay Speaker Martin Romualdez nitong Lunes upang ihayag muli ang buong suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa liderato ng Kongreso.

Nasa 22 dating heneral ang dumalo sa naturang pulong na inorganisa ng Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAAI), Association of Generals and Flag Officers (AGFO), Philippine Military Academy Retirees Association Inc. (PMARAI), at National ROTC Alumni Association, Inc. (NARAAI).

Dito, pinabulaanan nila na sinusuportahan ng PMA Alumni at iba pang grupo ng AFP retirees ang destabilization o planong pagpapabagsak sa administrasyong Marcos Jr.

“We are all here today, united, to air our support to President Ferdinand Marcos, Jr, his administration and the leadership of the House of Representatives and the Senate,” sabi ni retired Admiral Danilo Abinoja, chairman at CEO ng PMAAAI.

Sabi pa ni Abinoja kay Speaker Romualdez na maliban sa PMA suportado rin ng iba pang military school ng Navy, Airforce, at Coast Guard ang administrasyon at nakatakdang maglabas ng manifesto of support para kay Pangulong Marcos.

Ayon naman kay Retired Maj. Gen. Marlou Salazar, Vice President ng NARRAI, tutol ang kanilang grupo sa anomang hakbang ng destabilisasyon.

“Ayaw naming magkagulo. A kingdom should not be divided if we want it to succeed,” saad ni Salazar.

Kasama rin sa nagbigay ng suporta ang AGFO sa pangunguna ng vice chair ng grupo na si Retired Gen. Gerry Doria.

Wala ring balak ang grupo nina retired Gen. Raul Gonzales, na chairman ng PMARAI, para sirain ang katatagan ng gobyerno.

“We support the sentiments of the PMA Alumni here today and we are duty-bound to defend the Constitution even now that we are out of service. Some have different beliefs, but the general membership is united in defending this government,” ani Gonzales.

Kasabay nito ay iprinisenta ni Gonzales ang kopya ng resolusyon ng Class ‘75, na kumokondena sa anomang hakbang para sirain ang economic, social, at political gains ng kasalukuyang administrasyon.

Nagpasalamat naman si Romualdez sa inihayag na suporta ng mga retiradong heneral.

“We, in the House of Representatives, are happy to receive you here and listen to you. Words are not enough to express our gratitude to all of you. We are always sensitive, responsive and reflective of what you have to say even after you left the service,” saad ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us