Pormal na inilunsad ni Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPARU) Secretary Carlito Galvez Jr., ang bagong slogan ng tanggapan para sa taong 2024 na “Peace: Bawat Buhay Mahalaga”.
Ito’y kasabay ng isinagawang New Year’s call at Monthly General Assembly ng OPAPRU kahapon.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Sec. Galvez ang lahat ng tauhan ng OPAPRU sa kanilang mahalagang kontribusyon sa pagkamit ng “milestone” sa comprehensive peace process ng bansa sa nakalipas na taon.
Tinukoy ni Galvez ang tagumpay ng Bangsamoro Peace Process na kinatampukan ng pagkumpleto ng decommissioning ng mga dating mandirigma ng MILF noong nagdaang taon.
Hinimok ni Galvez ang mga tauhan ng OPAPRU na ipagpatuloy ang kanilang mahusay na pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gubyerno para mapangalagaan at mapalawak pa ang tagumpay na nakamit sa larangan ng kapayapaan sa mga darating na taon. | ulat ni Leo Sarne
📷: OPAPRU