Sen. JV Ejercito, pinapabilisan ang pagsasakatuparan ng infra projects ng gobyerno para makatulong sa problema sa traffic

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador JV Ejercito na paspasan na ang mga infrastructure project ng pamahalaan para maresolba ang problema sa mabigat na daloy ng trapiko sa Pilipinas.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pagkakapangalan sa Manila bilang may worst traffic sa metro area sa buong mundo.

Ayon kay Ejercito, kung may problema sa right of way ay dapat maresolba na ito kaagad.

Wala aniyang rason para ma-delay ang mga proyekto.

Ito lalo na aniya’t inaasahang tataas pa ang bilang ng mga sasakyan sa mga susunod na taon.

Partikular na pinapabilisan ni Ejercito ang subway at railway projects ng pamahalaan.

Kaugnay nito, umaasa ang mambabatas na makakatulong sa pagpapabilis ng mga infrastructure project sa bansa ang isinusulong na amyenda sa economic provision ng Konstitusyon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us