Kinumpirma ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang serbisyo nito sa kabila ng tumamang 7.1 magnitude na lindol sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental kaninang madaling araw.
Ayon sa NGCP, intact at stable pa rin ang Mindanao grid sa kabila ng naramdamang malakas na pagyanig.
Wala ring naitalang power interruptions na maiuugnay sa nangyaring lindol.
At wala ring naiulat na pinsala sa mga transmission facilities kung saan naramdaman ang lindol.
Una na ring sinabi ng PHIVOLCS na wala itong inaasahang pinsala bagamat posibleng magpatuloy ang mga aftershock kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa