Hinikayat ni Speaker Martin Romualdez ang bawat Pilipino na makiisa at suportahan ang kick off rally ng Bagong Pilipinas.
Aniya ito ang simula ng makabagong pagtahak sa isang mas magandang Pilipinas hindi lang para sa atin ngunit higit lalo para sa mga kabataan.
“I encourage everyone to join and support the Bagong Pilipinas kick-off rally this coming Sunday. This event marks the beginning of a transformative journey toward a better Philippines, not just for us but, more importantly, for our children,” sabi Romualdez.
Sabi pa ng lider ng Kamara na ang pagkakaisa ang pundasyon ng ikatatagumpay ng isang hangarin.
At ang Bagong Pilipinas ay panawagan para sa pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang mas masaganang kinabukasan.
“Unity has always been the bedrock of any successful endeavor, and in the pursuit of a better future for our country, it becomes even more crucial. The Bagong Pilipinas campaign is a call for unity, a rallying cry for every Filipino to come together, transcending differences and working hand in hand for a brighter and more prosperous tomorrow,” dagdag ni Romualdez.
Ang pagdalo ng mga opisyal ng pamahalaan, celebrities at pagkakaroon ng livestream option ay patotoo sa pagiging inklusibo ng kampanya.
Sabi pa ni Romualdez na laging binibigyang diin ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng kontribusyon ng bawat indibidwal para sa ikatatagumpay ng Bagong Pilipinas campaign.
“President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. has underscored the significance of individual resolutions in contributing to the broader goals of the “Bagong Pilipinas” campaign. Each personal commitment to positive change is a vital building block for the collective progress of our nation,” wika niya.
“Let us stand united in the pursuit of a Bagong Pilipinas — a Philippines that we can proudly turn over to the generations that will follow,” sabi pa ng House Speaker.| ulat ni Kathleen Forbes