Dahan-dahan ang ginagawang load restoration activities sa power plants sa Panay Island upang hindi na maulit ang voltage failure.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa kasalukuyan ay naitaas na sa 203.9 megawatts ang power plants. Sinusuportahan na ito ng 11.1 megawatts mula sa ibang sources sa Visayas.
Sa ngayon, may kabuuang 210.8 megawatts ‘served loads’ ang mga planta.
Ayon sa NGCP, mangangailangan pa ng 135 megawatts ang grid para ma-stabilize ang voltage capacity.
Inaantabayan na lang ang pag-synchronize ng PCPC na may 135 megawatts para maibalik sa normal ang serbisyo sa Visayas grid.
Sa sandaling mangyari ito, handa na ang NGCP na mag-transmit ng power supply. | ulat ni Rey Ferrer