Tiniyak ng mga religious leaders sa Mindanao ang kanilang suporta sa prosesong pangkapayapaan sa rehiyon.
Ang pagpapahayag ng suporta ay ginawa sa katatapos lamang na dalawang araw na interreligious dialogues for peace sa pagitan ng Muslim at Christian faiths, Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity o OPAPRU, militar at lokal na pamahalaan sa Mindanao.
Sa naturang pagtitipon, binigyang-diin ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. na mahalaga ang pagkakaisa sa mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon sa bansa sa pagkamit ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Samantala, sa isang joint statement matapos ang dialogue, kinondena ng religious leaders ang nangyaring pagsabog sa Mindanao State University noong Disyembre at tinawag itong isang demonic act.
Matatandaang nangyari ang pagsabog matapos ang isang katolikong misa na ikinasawi ng apat katao. | ulat ni Leo Sarne