Suspek na nakunan ng ilegal na armas sa San Juan, nahaharap din sa kasong rape

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihahanda na ngayon ng Women and Children’s Protection Desk ang kasong rape laban kay Ronald Aquino Macapagal, na unang inaresto kaninang madaling araw dahil sa ilegal na pag-iingat ng armas.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., base ito sa reklamo ng asawa ng suspek na ginahasa umano ng suspek ang kanyang sariling anak.

Ang asawa ng suspek din ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis na naging basehan ng search warrant na ipinatupad sa bahay ng suspek sa N. Domingo St., Brgy. Balong Bato, San Juan City kaninang madaling araw.

Dito’y narekober ng mga tauhan ng San Juan City Police Station sa pangunguna ni PCol. Francis Allan Reglos ang isang katutak na armas na kinabibilangan ng mga granada, riple, shotgun, pistola, claymore mine, gun accessory, at bala. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us