Kinubra na ng nag-iisang lucky winner ang premyo nitong P571 milyon na tinamaan niya sa Ultra Lotto 6/58 noong December 29.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), nakuha na ng lucky winner na taga-Albay ang kaniyang premyo ngayong araw.
Nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 19 – 35 – 25 – 42 – 58 – 05.
Kasabay nito ay sinabi rin ng lone winner na totoo ang lotto.
Apat na taon na rin daw siyang tumataya sa Scratch It games at pangalawang beses pa lang nitong tumaya sa lotto gamit ang lucky pick betting system ng PCSO.
Samantala, ang lahat ng premyong lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.| ulat ni Diane Lear