Binuksan na sa publiko ng Lungsod ng Taguig ang kauna-unahang ‘Disability Resource and Development Center’ sa buong bansa na magbibigay serbisyo at kalinga sa mga PWD.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang naturang pasilidad ay para sa mga PWD sa lungsod na nangangailangan ng atensyong medikal gaya ng speech at therapy room kabilang na ang livelihood at development training programs.
Dagdag pa ni Cayetano, ito na ang magsisilbing unang pasilidad na mayroon sa bansa at ito’y libre sa lahat ng Taguigeño.
“Sa Taguig, hindi lang natin basta na mahal natin ang [mga] Persons with Disability, kundi may kaakibat na aksyon at kaakibat na programa. Dalangin ko po na ang pasilidad na ito ay magdulot ng ginhawa at kagalingan sa mga taong makikinabang.”, ani ng alkalde. | ulat ni AJ Ignacio
📷: Taguig LGU