Serbisyo para sa mga underprivileged resident ng Maynila ang hatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ginanap na kick-off rally ng Bagong Pilipinas campaign, kahapon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Romel Lopez, isa ito sa pamamaraan ng kagawaran upang ilapit ang serbisyo publiko sa mamamayan na siya namang main objective ng Bagong Pilipinas campaign.
Sa ginanap na serbisyo fair, may 15,000 eligible beneficiaries sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ang pinagkalooban ng tig P2,000 cash aid ng DSWD-National Capital Region Field Office.
Bukod sa cash assistance, nagbigay din ng family food packs sa may 5,000 beneficiaries na naapektuhan ng sunog sa Metro Manila.
Sabi pa ni Asec. Lopez, sa ilalim ng brand ng pamamahala ng Bagong Pilipinas sinusuportahan ng DSWD ang pagbibigay ng mga programa at serbisyo para sa kapakanang panlipunan upang mapababa ang antas ng kahirapan ng bansa.
Ang Bagong Pilipinas campaign ang magsisilbing brand of governance and leadership ng Marcos Administration, na naglalarawan ng may prinsipyo, may pananagutan, at maaasahang pamahalaan na pinalakas ng pinag-isang institusyon ng lipunan. | ulat ni Rey Ferrer