Alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bisa ng Executive Order No. 53, muling nagpulong sa Kampo Aguinaldo ang binuhay na Task Force El Niño.
Sa pagpupulong ngayong hapon, inilatag ni Office of the Civil Defense Chairperson at Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr. ang mga direktiba ni Pangulong Marcos bilang siya ring tagapangulo ng Task Force.
Kasama ni Teodoro si Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum na siya namang itinalaga ng Pangulo bilang co-chairperson.
Binubuo ang Task Force ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya tulad nila Environment Sec. Ma. Antonia Yulo – Loyzaga, Agriculture Sec. Fransico Tiu Laurel Jr, Health Sec. Teodoro Herbosa at NEDA Sec. Arsenio Balisacan
Tinalakay sa naturang pulong ang short, medium at long term intervention ng pamahalaan upang malabanan ang epektong dulot ng El Niño.
Magkakasa rin ng online platform ang Task Force upang agad na maipabatid sa publiko ang mga pinakahuling hakbang ng pamahalaan hinggil sa paglaban sa El Niño.
Kasunod nito, napag-usapan din sa pagpupulong ang pagtatalaga ng tagapagsalita ng Task Force na siya namang mag-uulat sa publiko ng mga hakbang na nagawa at planong gawin ng Task Force sa hinaharap. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: OCD