Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Toledo sa lalawigan ng Cebu ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga nais mag-avail ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program.
Ayon sa Toledo City Urban Poor Commission (TUPC), maaaring mag-avail nito ang mga kawani ng local at national government agencies at Overseas Filipino Workers.
Inihayag ni TUPC Executive Director Atty. Jeah Jean Gacang, na sinisikap din ng lokal na pamahalaan ng lungsod na maisali sa makakapag-avail nito ang mga TNVS at pedicab drivers at operators gayundin ang mga minimum wage earners.
Paliwanag ni Gacang na kinakailangan maaprubahan muna ang mga aplikasyon sa Pag-IBIG Fund upang makapag-avail sa 4PH program.
Matatandaan na pumirma na ng kasunduan ang lokal na pamahalaan at ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Region 7 sa naturang housing project sa Barangay Tubod kung saan target nito na maipatayo ang 480 na mga housing units. | ulat ni Carmel Matus-Pedroza| RP1 Cebu