Pinasalamatan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa maayos na pamamalakad nito hinggil sa maayos na air traffic system, at sa mga pasilidad ng paliparan na hawak nito, sa isinagawang Oplan Biyaheng Ayos 2023 nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.
Kung saan umabot sa 280,000 ang kabuuang bilang ng airline passengers nitong 2023 na mas mataas noong isang taon, na umabot sa 250,000.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, taos puso siyang nagpapasalamat sa naging performance ng CAAP sa pagsiguro sa maaayos at ligtas na pagbiyahe ng ating mga mananakay nitong holiday season.
Ayon naman kay CAAP Director General Captain Manuel Tamayo, patuloy ang mga ginagawang hakbang ng CAAP sa pagsasaayos ng aviation sector sa bansa upang mas maging maayos ligtas at komportableng paglipad ng mga eroplano sa aviation highways sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio