Kinilala ni US Treasury Department Deputy Assistant Secretary for Asia Robert Kaproth ang matibay na macroeconomic fundamentals ng Pilipinas at kakayahan nitong maging investment destination.
Ginawa ng US official ang pahayag kasunod ng kanyang pulong kay Finance Secretary Ralph Recto kasama ang ilang US officials.
Ayon kay Sec. Kaproth ang mga latest development sa Pilipinas at ang “young english-speaking population” ay malaking factor na makaengganyo ng mga foreign investors.
Nagpahayag din ang Amerika ng kanilang interest na tulungan ang Pilipinas na maitatag ang investment mechanism sa pamamagitan ng pag-screen ng mga foreign direct investments (FDIs) upang matiyak ang national security ng bansa.
Kasama ni Sec. Kaproth sa pulong sa DOF sina US Treasury Financial Attaché to Southeast Asia Daniel Hall, US Embassy to the Philippines Representatives Chargé d’affaires and Deputy Chief of Mission Robert Ewing, Economic Counselor Phil Nervig, at Economic Officer Eileen Vickery.
Samantala, inaasahan naman ang pagbisita sa bansa ng high-level delegation mula US government sa buwan ng Marso upang lalo pang pagtibayin ang bilateral ties ng dalawang bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes