Nagtungo si Vice President Sara Z. Duterte sa Naga City, Cebu upang magkakaloob ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng iba’t ibang programa ng pamahalaan.
Pinangunahan ng Pangalawang Pangulo ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nabigyan din ng tulong ang mga benepisyaryo na biktima ng kalamidad at sakuna sa ilalim ng TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Bukod dito, nagpaabot din ayuda ang Office of the Vice President (OVP) sa mga nagtitinda sa Moalboal Market na makatutulong sa kanilang kabuhayan.
Nagpasalamat naman si VP Sara sa Lokal na Pamahalaan ng Naga City sa kanilang mainit na pagtanggap at patuloy na pagsuporta sa OVP.| ulat ni Diane Lear