Ipinagmalaki ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na wala nang aktibong Guerilla Front ang New People’s Army (NPA) sa lahat ng rehiyon ng bansa sa pagpasok ng bagong taon.
Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC Executive Director
USec Ernesto Torres Jr. sa pulong balitaan ngayong umaga.
Ayon kay Usec. Torres, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang gagawing clearing efforts ng NTF-ELCAC sa mga bgy na dating nasa ilalim ng impluwensya ng mga teroristang komunista sa pamamagitan ng Barangay Development Program (BDP).
Sinabi ni USec. Torres, na ang bawat benipisyaryong barangay ay makakatanggap ng tig-2.5 milyong pisong halaga ng mga development project.
Sa kabuuang mayroong 864 bgy ang tinukoy na benepisyaryo ng mga propyekto sa ilalim ng BDP. | ulat ni Leo Sarne