Nanawagan ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa publiko na ipagbigay alam sa kanilang pinakamalapit na tanggapan ang mga potensyal na kaso ng “online robbery” upang agad maaksyunan.
Paliwanag ni ACG Director Police Maj. General Sydney Sultan Hernia, ang online robbery ay isang uri ng “cybercrime” kung saan nakakakuha ng pera o anumang mahalagang bagay ang mga kriminal sa pamamagitan ng pagbabanta sa biktima.
Binigyang diin ni Hernia na “zero tolerance” ang ipinatutupad ng ACG pagdating sa mga kriminal na sangkot sa naturang iligal na aktibidad.
Ayon kay Hernia, mula 2022, 239 kaso ng online robbery ang inaksyunan ng ACG.
Mula dito, 44 na suspek ang naaresto at nasampahan ng kaso. | ulat ni Leo Sarne