Pursigido ang Department of Transportation (DOTr) na lalo pang pagandahin at i-modernisa ang mga pangunahing paliparan sa bansa.
Sa isinagawang Bagong Pilipinas Townhall Meeting ng DOTr sa General Santos City, sinabi ng kalihim na aabot sa ₱14-na bilyong piso ang ilalaan nilang pondo para dito.
Kabilang aniya sa mga makikinabang dito ay ang mga airport ng Catbalogan, Tacloban, Laoag, Puerto Princesa, Kalibo, lloilo, at 16 na iba pa sa buong bansa.
Dagdag pa ng kalihim, marami sa mga paliparan ang ngayo’y sumasailalim na sa pagpapaganda sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) sa tulong ng Asian Develoment Bank (ADB) at ng International Finance Corporation ng World Bank.
Ilan aniya sa mga ito ay ang airports sa Bohol, Siargao, Bacolod-Silay, Kalibo, Puerto Princesa, Davao, at Iloilo. | ulat ni Jaymark Dagala