Sen. Sonny Angara, tiniyak ang transparency sa ginagawang pagdinig tungkol sa economic chacha

Para kay Senador Sonny Angara, ang ginagawa ng Senado na pagtalakay sa economic chacha (Resolution of Both Houses no. 6) ang tamang proseso sa isinusulong na amyenda sa economic provision ng saligang batas. Ayon kay Angara, na siyang namumuno sa pagdinig ng RBH No. 6, sa pamamagitan ng kanilang talakayan ay nagiging transparent sila sa… Continue reading Sen. Sonny Angara, tiniyak ang transparency sa ginagawang pagdinig tungkol sa economic chacha

9 na potensyal na mga biktima ng human trafficking, nasagip sa Bongao, Tawi-Tawi

Nasagip sa isang joint law enforcement operation ang siyam na potensyal na mga biktima ng human trafficking sa Bongao sa lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang operasyon ay pinangunahan ng Naval Forces Western Mindanao (NavForWem), sa pamamagitan ng intelligence operatives, 1st Special Operations Unit Maritime Group, Tawi-Tawi Maritime Police Station (MARPSTA), Tactical Operations Group Sulu-Tawi-Tawi, Provincial Mobile… Continue reading 9 na potensyal na mga biktima ng human trafficking, nasagip sa Bongao, Tawi-Tawi

Mga nasawi sa Masara landslide sa Davao de Oro, umakyat na sa 10

Umabot na sa 10 ang nasawi sa nangyaring landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro nitong nakaraang Martes ng gabi, Pebrero 6, 2024. Ito’y base sa inilabas na situational report ng Coast Guard District Southeastern Mindanao ngayong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat, as of 2:38 ng hapon, na-retrieve na ang nasabing bilang ng… Continue reading Mga nasawi sa Masara landslide sa Davao de Oro, umakyat na sa 10

DSWD, patuloy ang pagbibigay ng emergency cash aid sa Davao Del Norte

Patuloy ang isinasagawang simultaneous payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Davao Del Norte sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ng ahensya. Ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng pag-ulan at pagbaha na dulot ng shear line na nanalasa sa Davao Region. Ayon kay DSWD Assistant… Continue reading DSWD, patuloy ang pagbibigay ng emergency cash aid sa Davao Del Norte

Comelec at 3 malaking malls, lumagda sa isang kasunduan para sa pagsisimula ng voters’ registration 

Nagkasundo ang Commission on Elections (Comelec) at ang tatlong malalaking malls sa bansa para sa pagsasagawa ng ‘Register Anywhere’ sa pagsisimula ng voters’ registration.  Mismong si Comelec Chairperson George Erwin Garcia at mga kinatawan mula SM Supermalls, Megaworld Lifestyle Malls at Robinsons Malls ang kumatawan sa kasunduan para sa Register Anywhere Program.  Layunin nito na… Continue reading Comelec at 3 malaking malls, lumagda sa isang kasunduan para sa pagsisimula ng voters’ registration 

DA, tiniyak ang matatag na supply ng bigas sa unang anim na buwan ng 2024

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na magiging matatag ang supply ng bigas sa unang anim na buwan ng 2024. Ito ay ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, dahil sa mga inangkat na bigas at parating na anihan sa Marso at Abril. Pero aminado ang kalihim, na maaaring manatili ang mataas na presyo ,hanggang Setyembre… Continue reading DA, tiniyak ang matatag na supply ng bigas sa unang anim na buwan ng 2024

Plano ng administrasyon na makapagtayo ng 179 na specialty centers hanggang 2028, suportado

Patuloy na isinusulong ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes sa pagpapabuti ng healthcare services ng bansa. Kaya naman suportado ng mambabatas ang plano ng pamahalaan na madagdagan ang mga specialty hospital sa mga rehiyon. Kapuri-puri ani Reyes ang commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makapagpatayo ng dagdag pang 179 specialty centers hanggang 2028. “We… Continue reading Plano ng administrasyon na makapagtayo ng 179 na specialty centers hanggang 2028, suportado

Panukalang P100 legislated wage hike, middle ground sa pangangailangan ng mga manggagawa at kayang ibigay ng mga kumpanya

Ipinaliwanag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang pag-adjust nila sa P100 ng panukalang legislated wage hike ang nakita nilang middle ground na makakatulong sa mga manggagawa. Matatandaang sa orihinal na panukalang inihain ni Zubiri, P150 ang isinusulong na maidagdag sa sweldo ng mga manggagawa ng pribadong sektor sa buong Pilipinas. Pero ayon kay… Continue reading Panukalang P100 legislated wage hike, middle ground sa pangangailangan ng mga manggagawa at kayang ibigay ng mga kumpanya

Pilipinas, ‘di pa rin isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman sa SCS disputes ang hacking attempt sa ilang website ng gobyerno

Photo from Presidential Communications Office

Hindi pa rin isinasara ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibilidad na may kinalaman sa mga usapin sa South China Sea (SCS) ang tangkang pag-hack sa ilang government sites ng Pilipinas. Ito ayon kay DICT Secretary John Ivan Uy ay kahit pa nag-alok na ang China na tumulong sa ginagawang imbestigasyon ng… Continue reading Pilipinas, ‘di pa rin isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman sa SCS disputes ang hacking attempt sa ilang website ng gobyerno

9 na potensyal na biktima ng human trafficking sa tawi-tawi, naligtas ng maritime operatives

Naligtas ang siyam na potensyal na biktima ng human trafficking sa Bonggao, Tawi-Tawi sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Navy, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at local government unit. Sa ulat ng Naval Forces Western Mindanao, ang mga naligtas ay kinabibilangan ng anim na babae at tatlong lalaki na sakay ng MV Magnolia Liliflora,… Continue reading 9 na potensyal na biktima ng human trafficking sa tawi-tawi, naligtas ng maritime operatives