“Piso mo, kinabukasan ko,” tampok sa pagdriwang ng Fiesta Tsinoy sa Albay

Tampok sa pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy sa Albay ang inilunsad na “Piso Mo, Kinabukasan Ko” ng Tzu Chi Foundation. Layunin nitong makaipon ng sapat na tulong pinansyal gamit ang barya para sa mga batang Albayano na kapos sa pag-aaral. Ayon kay Antonio Tan, tagapagsalita Tzu Chi Foundation sa Albay, mayroong aabot sa mahigit 50 mag-aaral… Continue reading “Piso mo, kinabukasan ko,” tampok sa pagdriwang ng Fiesta Tsinoy sa Albay

Plebesito para sa Economic Cha-Cha, pwedeng isabay sa Eleksyon 2025 — Sen. Sonny Angara

Iginiit ni Senador Sonny Angara na pinapayagan ang pagsasagawa ng plebesito kasabay ng eleksyon at may nauna nang desisyon ang Korte Suprema dito. Ito ang naging tugon ni Angara, na siyang namumuno sa pagtalakay ng Resolution of Both Houses no. 6 o Economic Cha-Cha, sa naging pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia… Continue reading Plebesito para sa Economic Cha-Cha, pwedeng isabay sa Eleksyon 2025 — Sen. Sonny Angara

Ilang kalsada sa Mandaluyong City, isinara sa mga motorista para bigyang daan ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang lungsod

Isinara na ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang ilang pangunahing lansangan sa lungsod ngayong araw. Ito’y para bigyang daan ang pagdiriwang ng ika-79 Liberation Day gayundin ang ika-30 Anibersaryo ng Cityhood ng lungsod. Partikular sa mga isinarang kalsada ay ang Nueve de Pebrero kung saan isasagawa ang isang konsyerto mamayang gabi gayundin ang Kalentong kung… Continue reading Ilang kalsada sa Mandaluyong City, isinara sa mga motorista para bigyang daan ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang lungsod

2024 National Tax Campaign, inilunsad ng BIR

Pinaigting pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kampanya nito para makalikom ng buwis ngayong 2024. Kasunod ito ng kickoff ng ahensya ng 2024 National Tax Campaign na pinangunahan mismo ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., Dinaluhan ito ni Finance Secretary Ralph Recto, ilang higanteng taxpayers sa bansa, government officials, at iba pang katuwang… Continue reading 2024 National Tax Campaign, inilunsad ng BIR

DA, magpapadala ng tulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Nakatakda nang magpadala ng tulong ang Department of Agriculture (DA) sa mga rehiyong naaapektuhan ngayon ng El Niño. Kabilang sa ipapamahagi nito ang higit 5,000 bags ng vegetable seeds na nagkakahalaga ng ₱990,000 sa mga apektadong magsasaka sa Western Visayas. Inaasahang aabot rin sa 198 na mga magsasaka ang makikinabang dito. Plano rin ng DA… Continue reading DA, magpapadala ng tulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Bilang ng nasawi, missing, sa Masara landslide sa Davao de Oro, tumaas

Umakyat na ang bilang ng nasawi at missing sa nangyaring landslide sa Barangay Masara, Maco Davao de Oro nitong nakaraang February 6, 2024. Sa inilabas na pahayag ng 1001st Brigade kagabi, February 8, umabot na sa 11 ang na-retrieve na patay as of 5:00 p.m. Samantala, umabot naman sa 110 ang bilang ng “missing” sa… Continue reading Bilang ng nasawi, missing, sa Masara landslide sa Davao de Oro, tumaas

₱2.3-M Seal of Good Local Governance Incentive Fund, natanggap ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan mula sa DILG

Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) plaque at ang ₱2.3-million na Seal of Good Local Governance (SGLG) Incentive Fund sa lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan kamakailan. Pinangasiwaan ng DILG Isabela City Field Operating Unit sa pamumuno ni City Local Government Operations Officer (CLGOO) Arnel… Continue reading ₱2.3-M Seal of Good Local Governance Incentive Fund, natanggap ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan mula sa DILG

Pres. Marcos Jr., nagbigay ng ₱30-M kay Gov. Uy para makatulong sa pagbangon ng Davao Oriental

Pinangunahan ni Davao Oriental Governor Niño Uy ang pagbibigay ng  komprehensibong report kay Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglulunsad nito ng situation briefing kaugnay sa epekto ng shear line at Low Pressure Area (LPA) sa Davao Oriental na ginanap kahapon Ferbruary 7, sa Davao City. Ipinakita ni Governor Uy sa Presidente ang summary ng… Continue reading Pres. Marcos Jr., nagbigay ng ₱30-M kay Gov. Uy para makatulong sa pagbangon ng Davao Oriental

Mga tradisyonal na jeep, makakabiyahe pa rin kahit matapos na ang April 30 consolidation deadline — LTFRB

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaari pa ring mamasada ang mga tradisyonal na jeep kahit matapos na ang April 30 deadline para sa franchise consolidation, basta’t sila ay nakapag-consolidate na sa isang kooperatiba o korporasyon. Ang paglilinaw ay ginawa ni LTFRB Board Member Atty. Mercy Leynes sa pagpapatuloy ng imbestigasyon… Continue reading Mga tradisyonal na jeep, makakabiyahe pa rin kahit matapos na ang April 30 consolidation deadline — LTFRB

Resulta ng bidding para sa NAIA PPP project, nakatakdang ilabas sa Feb. 15 — DOTr

Natapos na ng Department of Transportation (DOTr) ang Pre-Bidding Conference nito para sa Ninoy Aquino International Airport-Public Private Partnership (NAIA-PPP) Project. Ayon sa DOTr, tatlong potensyal na bidders ang lumahok sa naturang conference na kinabibilangan ng SMC-SAP & Company Consortium, GMR Airports Consortium, at Manila International Airport Consortium. Sa mga ito ayon sa DOTr, ang… Continue reading Resulta ng bidding para sa NAIA PPP project, nakatakdang ilabas sa Feb. 15 — DOTr