Tinanggap ng aabot sa 100 mangingisda mula sa Bajo de Masinloc ang samu’t saring tulong mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
Laman ng tulong ay mga pagkain at tubig para sa mga basic na pangangailangan ng mga mangingisda.
Kasabay ng pagbibigay tulong ay kinamusta rin ng PCG ang kalagayan ng mga mangingisda at ang kanilang sitwasyon sa kanilang pang-araw-araw na pagpapalaot sa Bajo de Masinloc.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga mangingisda sa tulong na abot ng PCG. Gayundin sa pagtataguyod sa kanilang kaligtasan at seguridad sa katubigan ng Pilipinas.
Sa isinagawang 9-day patrol ng PCG sa lugar magmula noong ika-1 ng Pebrero, ilang Chinese Coast Guard ang namataan, na may mga bow number na 3105, 3302, 3063, at 3064, kabilang pa ang apat na karagdagang sinasabing mga Chinese Maritime Militia.| ulat ni EJ Lazaro