Marikina solon, pinakokonsidera sa DOTr na aralin ang sistema ng TODA para sa modernization program

Photo courtesy of Rep. Stella Quimbo FB page

Mas maiging gayahin na lang ng Department of Transportation (DOTr) ang sistema ng operasyon at prangkisa ng TODA (Tricycle Operators and Drivers Association) sa PUV Modernization Program. Ayon kay Quimbo, hindi siya tutol sa itinutulak na consolidation ng operations ng mga PUV, partikular ang mga jeep, ngunit dapat kanya-kanya aniya ang prangkisa ng mga ito.… Continue reading Marikina solon, pinakokonsidera sa DOTr na aralin ang sistema ng TODA para sa modernization program

DSWD Sec. Gatchalian, personal na nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Masara, Maco, Davao de Oro

Personal na binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga biktima ng landslide sa Masara, Maco, Davao de Oro, at ang evacuees sa isang evacuation site. Unang binisita ni Secretary Gatchalian ang mga sugatan na naka-confine sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, para personal na maibigay ang… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, personal na nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Masara, Maco, Davao de Oro

Pinsala sa imprastraktura sa Mindanao dulot ng mga pagbaha at landslide, halos P738-M na – NDRRMC

Pumalo na sa Php P738.6 milyon ang halaga ng mga nasirang imprastraktura sa mga pagbaha at landslide sa Mindanao. Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa P473 million ang halaga ng mga nasirang infrastructure facilities sa CARAGA Region, habang P265.5 milyon naman sa Davao Region. Ayon sa… Continue reading Pinsala sa imprastraktura sa Mindanao dulot ng mga pagbaha at landslide, halos P738-M na – NDRRMC

Visa Application sa bansa, pinakamataas sa Southeast Asia para sa taong 2023

Ipinakita ng visa service firm na VFS Global na naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na paglago ng bilang ng mga visa application sa Southeast Asia para sa taong 2023. Ayon kay Kaushik Ghosh, pinuno ng VFS Global for Australasia, lumagpas sa 35% ang pagtaas ng bilang ng mga aplikasyon ng visa mula sa bansa noong… Continue reading Visa Application sa bansa, pinakamataas sa Southeast Asia para sa taong 2023

Panawagang Mindanao secession, hindi makakatulong sa pag-unlad ng bansa

Kailangan ng isang nagkakaisang bansa para masiguro ang pag-unlad. Ito ang binigyang diin ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez sa gitna ng panawagang ihiwalay ang Mindanao mula sa buong Pilipinas. Punto ng mambabatas kung hahatiin ang bansa ay magugulo ang economic stability at maaapektuhan ang pag-asenso hindi lang ng Mindanao ngunit ng buong bansa. “If… Continue reading Panawagang Mindanao secession, hindi makakatulong sa pag-unlad ng bansa

11 Opisyal ng PNP, na-promote bilang mga Heneral

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang bagong hanay ng mga opisyal na na-promote sa ranggong Brigadier General. Epektibo ang kautusang ito, a-sais ng Pebrero 2024 bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kabilang sa mga bagong hirang na Heneral ng Pambansang pulisya ay sina : Col Christopher Abrahano, OCPNPCol Manuel… Continue reading 11 Opisyal ng PNP, na-promote bilang mga Heneral

PRC, nagpadala ng food trucks sa Agusan bilang tugon sa pangangailangan sa Mindanao

Nagpadala ng dalawang food trucks ang Philippine Red Cross (PRC) sa Mindanao para tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pagbaha at landslide. Ayon kay PRC Chairman & CEO Dick Gordon, umalis kagabi sa Cebu ang dalawang food trucks at inaasahang nakarating na sa PRC Agusan Chapter. Ang deployment ng food trucks ay upang makapagbigay… Continue reading PRC, nagpadala ng food trucks sa Agusan bilang tugon sa pangangailangan sa Mindanao

100 mangingisda sa Bajo de Masinloc, nakatanggap ng tulong mula sa PCG

Tinanggap ng aabot sa 100 mangingisda mula sa Bajo de Masinloc ang samu’t saring tulong mula sa Philippine Coast Guard (PCG). Laman ng tulong ay mga pagkain at tubig para sa mga basic na pangangailangan ng mga mangingisda. Kasabay ng pagbibigay tulong ay kinamusta rin ng PCG ang kalagayan ng mga mangingisda at ang kanilang… Continue reading 100 mangingisda sa Bajo de Masinloc, nakatanggap ng tulong mula sa PCG

Mga proyekto at pagmamahal sa bansa at sa pamilya ni FL Liza, kinilala ni Pangulong Marcos, ilang araw bago ang Valentine’s Day

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ginagawa ni First Lady Liza Araneta – Marcos, hindi lamang para sa kanilang pamilya bagkus ay para sa buong Pilipinas, ilang araw bago ang Araw ng mga Puso. Sa lastest video blog ng Pangulo, sinabi ng Pangulo na una dito ay ang Lab 4 All program… Continue reading Mga proyekto at pagmamahal sa bansa at sa pamilya ni FL Liza, kinilala ni Pangulong Marcos, ilang araw bago ang Valentine’s Day

Pamamahagi ng lupa sa ARBs, mas palalakasin pa ngayong 2024 – DAR

Target ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na palakasin pa ang performance ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamamahagi ng lupa ngayong taong 2024. Pahayag ito ni Estrella, matapos papurihanni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsisikap ng DAR, at nalampasan ang target ng pamamahagi ng lupa noong taong 2023. Kamakailan, magkasamang namahagi… Continue reading Pamamahagi ng lupa sa ARBs, mas palalakasin pa ngayong 2024 – DAR